Tumanggap ng livelihood assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang nasa mahigit 370 benepisyaryo ng I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Livelihood Program nitong Huwebes, Disyembre 18, 2025.

Ang mga nabanggit na benepisyaryo ay mula sa bayan ng Baggao at Gattaran kung saan bawa’t isa ay nakakuha ng tig-₱2,125 sahod mula sa naturang programa.

Kaugnay rito, muli namang nagpaalala ang Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) na gamitin ang kanilang nakuhang sahod sa tamang paraaan at ikabubuti ng kanilang pamilya.

Maliban dito, pinasalamatan din ng PNREO ang bawa’t benepisyaryo sa kanilang kooperasyon at patuloy na pagsuporta sa programa ng PGC upang pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng I Love Cagayan River Movement Program.

Tiniyak din ng PNREO na magpapatuloy ang programa sa administrasyon ni Gobernador Edgar ‘Manong Egay’ Aglipay sa ilalim ng kanyan E.G.A.Y Governance Platform upang mapangalagaan ang kalikasan at mabigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na makapaghanapbuhay.