
Kinilala muli ang galing at husay ng mga manlilikhang Cagayano sa larangan ng sining at literatura sa 7th Cagayan Art and Creative Writing Awards (CACWA) sa isang awarding ceremony na naganap sa Capitol Courtyard, Capitol, Tuguegarao City kahapon, Hunyo 26, 2025.
Ang awarding ceremony ay bahagi ng pagdiriwang ng 442nd Aggao Nac Cagayan na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa liderato ni Governor Manuel Mamba at sa ilalim ng kumpas ng Steering Committee Chairperson ng Aggao Nac Cagayan 2025 na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Unang Ginang ng lalawigan at Patron of the Arts ng probinsiya.
Pinangunahan ni Governor Manuel N. Mamba at Unang Ginang ang seremonya sa pagbibigay parangal sa mga nanalo ngayong taon sa CACWA kasama sina Gov.-Elect Ret. Gen. Edgar “Manong Egay” Aglipay; Nino Kevin Baclig, ang Cagayan Museum Curator at Rogelio P. Sending, Jr., Cagayan Information Officer, at mga punong-abala ng CACWA Secretariat.
Layon ng CACWA na linangin ang talento at husay ng mga Cagayano sa larangan ng sining at pagsusulat. Dalawang kompetisyon ang tampok sa CACWA taon-taon. Ito ay ang Art Competition at ang Short Story Writing Competition.
Sa mensahe ni Gob. Mamba, mahalagang ilabas aniya ang talento at husay ng mga Cagayano upang hindi mapag-iiwanan ang Cagayan. Naniniwala siya na maraming magagaling na Cagayano na tutulong at makikiisa para sa ikakabuti ng lahat.
“We try to bring out the best of every Cagayanos, we started the Dangal ng Lahing Cagayano, Natatanging Cagayano, to write a book about who are our heroes, best writers, musician, and the best of Cagayano. Ito rin ang dahilan kung bakit si Manong Egay ang alam ko na magbibigay pa ng tamang direkyson sa Cagayan dahil siya rin ay isang natatanging Cagayano na handang magsakripisyo para sa ikauunlad ng lahat lalo na sa mga susunod na henerasyon,” ani Gov. Mamba.
Binigyan-diin naman ni Atty. Villarica-Mamba na dapat ipagpatuloy ang mga kahalintulad na kumpetisyon lalo na ang pagsusulat gamit ang iba’t ibang lengguwahe upang tuloy-tuloy rin na mahikayat, matuto, at makilala ang talentadong Cagayano sa buong mundo.
“The soul of the Cagayano is in our languages. So, I want the Cagayano children to be able to speak, to be able to write, and understand of the Cagayano ancestors. The CACWA was designed for Cagayano, we want to announce the whole world that talents are here in Cagayan,” saad ni Atty. Mabel Mamba.
Pinasalamatan naman ni Baclig ang Gobernador na siyang patuloy na sumusuporta sa mga programang nagpapalago sa kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Cagayan.
Ang napiling semi-finalists sa Visual Arts: Fernando M. Urata Jr. ng Tuguegarao City (Maddammang), Walden P. Tabaog ng Amulung (Bakas ng Kahapon), Harvey G. Gonzales ng Pamplona (A Beautiful Disorder), Maria Gloria Sola M. Javier ng Solana (Golden Hour After Darkness), Ramon Zaldy C. Macarubbo ng Camalaniugan (Bayanihan Series 1: Hindi Hadlang ang Kapansanan), Kristyn Xyrelle S. Taguiam ng Tuguegarao City (Babae), Kishi Rhoel C. Minerales ng Tuguegarao City (Anhedonia), Zean Jeter T. Tolentino ng Ballesteros (Sa Kamay ng Diwa), Princess Marah A. Pallingayan ng Tuguegarao City (Aalpas Tungos a Pangarap), Jhondale C. Escobar ng Tuguegarao City (Peace of Perspective). Nag-uwi ng certificate at tig-P2,500 ang bawat semi-finalist.
Mula sa semi-finalists, narito ang napili ng mga hurado para sa five equal winner ng art competition: Kristyn Xyrelle S. Taguiam ng Tuguegarao City (Babae), Kishi Rhodel C. Minerales ng Tuguegarao City (Anhedonia), Zean Jeter T. Tolentino ng Ballesteros (Sa Kamay ng Diwa), Princess Marah A. Pallingayan ng Tuguegarao City (Aalpas Tungo sa Pangarap), Jhondale C. Escobar ng Tuguegarao City (Peace of Perspective). Sila ay nanalo ng tig-P20,000 at nag-uwi ng plake.
Nagwagi din ng consolation prizes sina: Denzel James P. Yadao ng Claveria (See’em All), Julian G. Quiamhor ng Tuao (Menchie and the Faces), Alyssa Mae R. Domingo ng Claveria (Visuals of Performing Arts), Harley Gabe Y. Buendia ng Tuguegarao City (Pixar), Joshua P. Guimmayen ng Tuguegarao City (Shattered Dreamseed).
Ang mga naging hurado ng art competition ay mga kilalang indibidwal sa larangan ng sining. Ito ay kinabibilangan nina Dannie R. Alvarez, Peter John Natividad, at Patrick D. Flores.
Narito rin ang mga nanalo sa Short Story Writing Competition sa iba’t ibang kategorya:
Junior High School Category:1st place-Mathaney Noveiña V. Baculi ng Calaoagan Dackel National High School, (The Proverb that Made my Cheeks Swell), 2nd place-Janina Francesca M. Bautista ng University of Saint Louis Tuguegarao (Ibayong Lipad ng Sumuay), 3rd place-Alessandra B. Guitering ng Vicente D. Trinidad National High School (Missing Piece of Me).
Senior High School Category: 1st place-Jimrex C. France ng Baua High School (Ngiti ng Bahaghari), Coach-Mark Anthony Artis, 2nd place-Ayessa Mielle D. Maneclang ng Tuguegarao City Science High School (Hindi Laging Tapat ang Lupa), Coach- Catherine Dae G. Salvador, 3rd place-Yssa leigh E. Biscaro ng Shining Light Academy (Rooted in Cagayan).
College Category: 1st place-Lujelle B. Mangaoang ng CSU Carig (Sinabalu at Sundown), 2nd place-Jomari S. Juan ng CSU Sanchez Mira (Echoes of the River: Where Water Meets Land), 3rd place-Kim M. Bagasin ng CSU Carig (In the Palm of my Hand).
Adult Category: 1st place-Wendell Keith L. Jacobo ng Gattaran at Lecturer sa CSU Carig (Rowan), 2nd place-Al-Jhun A. Melad ng Peñablanca at Corporate Affairs Officer sa Cagayan Economic Zone Authority (Binhi), 3rd place-Lady Ann V. Tullo ng Lal-lo (Singaw ng Pinakbet).
Nag-uwi ang 1st placers sa lahat ng katergorya ng tig-P10,000. Ang lahat ng 2nd placers ay tig-P7,000; at ang 3rd placers ay may tig-P5,000 na premyo. Lahat ng mga nanalo ay nabigyan din ng plake.
Ang mga naging hurado ng short story writing competition ay mga kilalang indibidwal sa larangan ng Philippine literature. Ito ay kinabibilangan nina LA Piluden, BJ Lasam, at Bernadette Neri, at Hans Pieter Arao na nagsilbing guest speaker. Si Arao ay isang Gintong Medalya Awardee ng Dangal ng Lahing Cagayano 2025 sa Arts and Culture category.
Nagtanghal naman dito ang Salinlahi Dance Troupe, Grupo Arpa ng Lasam, Cagayan, at Don Severino Pagalilauan Performing Arts ng Penablanca, Cagayan.
Samantala, dumalo rin sa aktibidad ang ilang department heads ng Kapitolyo, Cagayan, pamilya ng awardees, mga coach ng mga ito, at iba pang mga panauhin.