GOV. MAMBA; BINIGYANG-DIIN NA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG PAG-IBIG AY SAKRIPISYO PARA SA BAYAN, KASARINLAN, KALIKASAN, AT KINABUKASAN

Naging espesyal ang Araw ng mga Puso sa Kapitolyo ng Cagayan dahil sa pagdiriwang ng “Endless Love, Cagayan” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan nitong Biyernes, Pebrero 14, 2025 sa Capitol Grounds, Tuguegarao City.
Pinangunahan ng Ama ng Lalawigan na si Governor Manuel Mamba ang Valentine’s Day celebration na ito, kasama ang Unang Ginang na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Proponent ng PGC Events, Provincial Administrator Atty. Ma. Rosario Mamba-Villaflor, mga opisyal ng lalawigan, department heads at consultants ng PGC, mga empleyado, at mga bisita.
Nagsimula ang aktibidad sa isang “Love is in the air” Zumba Party kung saan sumabay ang lahat sa Zumba exercise na pinangunahan ng mga Zumba instructor.
Samantala, isang programa naman ang inihanda kung saan ibinahagi nina Gov. Mamba at Atty. Villarica-Mamba ang kanilang mga mensahe sa mga Cagayano sa Araw ng mga Puso.
Nagpasalamat naman si Atty. Villarica-Mamba sa pagdalo at pakikiisa ng lahat sa espesyal na handog ng PGC para sa mga Cagayano. “We found joy not only in loving each other, but in loving the Cagayanos. Since 2017 we have celebrated valentine’s Day for the Cagayanos. Kasama taon-taon ang mga Cagayano sa pag-celebrate masaya, kahit simple lamang ay bongga pa rin,” sambit ng Unang Ginang.
Sa kabilang-dako, binigyang-diin naman ng Ama ng lalawigan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ngayong pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Aniya, ang pag-ibig ay sakripisyo para sa bayan, kalikasan, at sa kinabukasan, lalong-lalo na ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon ng mga Cagayano.
“This is for all of us to celebrate love. Love is beyond yourself; sacrificing things for others is the true measure of love. Ito ay pagmamahal din sa kalikasan, kasarinlan, kinabukasan, at sa kinabukasan ng ating mga anak. This is very timely as we choose our leaders. Let us go beyond material things and our self-interests,” ani Gov. Mamba.
“May 38 years na akong naghahanap ng solusyon para mapaganda ang Cagayan. Thank you also for sacrificing for this. I hope and pray na matandaan ninyo that we sacrificed to be an inspiration to our people. To all the employees, I have seen how you have sacrificed to make PGC an exemplar. I enjoyed my stay here. I am fulfilled. Love is defined by our sacrifices for our country, environment, and our future,” pagtatapos niya.
Samantala, naging bahagi rin ng aktibidad ang “Heart Beats” Ultimate Dating Game na nagbigay kilig at saya. Dalawang pares ng single Searcher at Searchee ang naipares sa gabing ito sa Kapitolyo ng Cagayan upang mag-date na handog pa rin ng PGC.
Hiyaw at halakhak naman ang dala ng “Lucky in Love” Bingo Bonanza kung saan ang L-O-V-E at isang Blackout ang binuo sa bingo cards. Maswerte namang nag-uwi ang mga nanalo sa bingo game.
Tampok din ang PGC V-day mini-concert with the PGC home-grown talents na nagbigay-aliw sa mga bisita sa gabing puno ng kulay at saya sa Kapitolyo ng Cagayan.
Dinagsa rin ang “Love Local” Food Pop-ups and Art Market kung saan bida ang iba’t ibang pagkain ng ating local exhibitors at mga art products ng ating local artists. Naging mabenta ang mga knick-knacks na pang-Valentine’s Day gift at napuno rin ng pila ang mga pagkain at beverages stall. May free food din sa PGC Mobile Kitchen para sa lahat ng pumunta.
Maging ang Photo Booth sa harap ng Kammaranan Building ay dinagsa rin.
Nagtuloy-tuloy naman ang selebrasyon sa “Reel Love” Outdoor Movie Night sa Kapitolyo ng Cagayan handog naman ng Northern Luzon Cinema Guild, Inc.
Nagkaroon din ng special Valentine’s Dinner with the Governor and First Lady Atty. Villarica-Mamba, kasama ang mga opisyal ng PGC, department heads, at mga bisita sa Main Building Courtyard kung saan nagpatuloy ang selebrasyon.