Dalawang Cagayano na tubong Enrile at Aparri Cagayan ang muling nakapag-uwi ng medalya sa ginanap na International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA) at International Mathematics Olympiad Competition of Southeast Asia (IMOCSEA) na ginanap nitong Disyembre 19-22, 2025 sa Osaka, Japan

Waging makuha ni Marquee Decena ang Bronze Medal bilang kinatawan ng University of Saint Louis-Tuguegarao sa ISOCSEA, habang nakakuha naman ng Silver medal (top 7) sa ISOCSEA at Bronze medal sa IMOCSEA si Lance Derald Pineda Auingan na kinatawan ng Lyceum of Aparri.

Nakipagtagisan ng talino ang dalawang batang Cagayano sa mga iba’t ibang mag-aaral sa ilang bansa sa South East Asia gaya ng Malaysia, Indonesia, India, Mongolia, Bulgaria, Thailand, Vietnam, at Bangladesh kung saan kanilang ipinamalas ang kahusayan sa akademya.

Si Marquee ay ang panganay na anak nina Mark Joseph Decena at Kathlyn Decena, at ang unang apo ni Enrile Mayor Miguel B. Decena, Jr.

Samanta, patuloy ang paghakot ng parangal ng mga kabataang Cagayano sa anumang larangan sa mga internasyunal na kompetisyon. Patunay na kayang-kaya ng mga Cagayanong makipagsabayan ng galing at husay at magtagumpay.