
Sa pagdiriwang ng ika-71 ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kahapon, Pebrero 19, 2025 itinampok ang “Couples’ Night: A Celebration of Love,” isang kakaibang aktibidad na bahagi na rin ng pagdiriwang ng nakaraang Araw ng mga Puso.
Pinangunahan ni Michael Pinto, ang Provincial Librarian at Head ng CPLRC ang pagdiriwang kung saan kasama niya ang walong pares ng napiling mag-asawa na napili sa search na naisagawa bago ang pagdiriwang. Dinaluhan din ito ng ilang mga bisita, mga opisyal ng Minnatura na Cagayan, at ng mga empleyado ng CPLRC.
Ang Couples’ Night ay isang aktibidad kung saan pumili ang CPLRC ng mga mag-asawa na nag-sumite ng kanilang lovestory sa CPLRC na nagpapakita ng “acts of love and sacrifice” at ang mga naging hamon sa kanilang pag-iibigan at relasyon. Ang aktibidad ay bahagi rin ng pagdiriwang ng nakaraang Araw ng mga Puso at layon na makapagbigay ng inspirasyon sa mga mag-asawa at pamilyang Cagayano.
Ang mga napiling couples ay sina Teejay at Mylene Chua, Adrian at Maria Christina Sambajon, Joly Mar at Regine Urcia, Erlito at Elma Oliveros, Matt Ezekiel at Mary Margarete Abella, Julius Ceasar at Glorie Mae de Polonia, Mac Paul at Hazelle Alariao, Spencer Renz at Abegail Tumaliuan, at
Ang mga napili ay nabigyan ng free dinner date at bouquet of flowers at may kasama ring counseling session na pinangunahan naman ni Dr. James Pattaguan.
Mula sa mga sumulat ng kanilang kwentong pag-ibig napili naman ang Best Lovestory nina Matt Ezekiel at Mary Margarette Abella na pinamagatang “Choosing Each Other, Over and Over Again.” Naging premyo nila ang one-night accommodation sa Las Palmas.
Sa kanyang mensahe, sinambit naman Pinto na kakaiba ngayong taon ang pagdiriwang ng anibersaryo ng CPLRC sa pamamagitan ng Couples’ Night.
Mainit na pagbati ang kanyang ibinigay sa mga napili sa search at kanyang binigyang-diin na ito rinn ang araw ng pagdiriwang ng ika-71 anibersayo ng pagkakatatag ng Panlalawigang Aklatan. Kanyang ibinahagi ang mga hamon na napagdaanan ng CPLRC at ang mga inobasyon ngayon na naisagawa sa ilalim ng liderato ni Governor Manuel Mamba na siyang nagtulak upang pagandahin at palawakin pa ang serbisyo nito para sa mga Cagayano.
“Sa ilalim ng pamamahala ni Gov. Mamba ang masasabing golden years ng CPLRC. Sa totoo lang, ang CPLRC na nadatnan ko noon ay hindi ganito kaganda at saksi ang ilang mga empleyado ng CPLRC dito. But now, with all the innovations headed by Governor Mamba, na-transform siya into a state-of-the-art, modern public library. It turned into a resource center. At ito naman ang goal ng CPLRC na maging ganito. It was among the first public libraries in the Philiippines. Na-establish ito noong 1950s,” ani Pinto.
Sambit niya rin na gusto ng CPLRC na magpakilala ng kakaibang aktibidad sa kanilang anibersayo na nagpapakita din ng sakripisyo at pagmamahal. “Bahagi din ng aming advocacy ang mapalakas din ang pagsasamahan ng mga mag-asawa at pamilyang Cagayano,” dagdag niya.
Nabanggit din niya na sa culmination ng kanilang programang Children’s Library and Literary Program para sa mga day care school children ay magkakaroon naman ng parenting talks na pangungunahan ng mga napiling couples sa naganap na aktibidad.
“Sana maging bahagi kayo ng ating mga aktibidad dito sa CPLRC at sana ay tulungan ninyo kami sa pagpapaabot sa inyong mga kapamilya ang tungkol sa aming mga serbisyo dito,” ani Pinto.
Ginanap naman ang dinner date with acoustic band entertainment sa mismong CPLRC pagkatapos ng programa at mga aktibidad tulad ng counseling at masayang Q&A ng mga mag-asawa. Bilang pasasalamat sa kanila, binigyan din sila ng mag certificate ng CPLRC.