
Tumanggap po ng parangal ang inyong Cagayan Provincial Information Office (CPIO) Facebook Page bilang Best Use of Social Media for Community Engagement sa Content Creator Awards 2025.
Ang parangal na ito ay mula sa Bloggers of Tuguegarao (BOT) at Vloggers Philippines.
Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pagtanggap, pagpapahalaga, at pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng CPIO sa pagbibigay ng akma, napapanahon, at makabuluhang impormasyon para sa bawa’t Cagayano.
Asahan po ninyong makakasama ninyo ang CPIO sa anumang panahon at sitwasyon bilang katuwang sa pagtataguyod ng kapakanan ng ating komunidad.
Muli, maraming salamat po!







