
Pormal nang binuksan ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 02) ang state-of-the-art semen laboratory sa Cagayan Valley Livestock Biotechnology Research Center sa DA Southern Cagayan Research Station, Maguirig, Solana nitong Miyerkules, Marso 26, 2025.
Ayon sa pahayag ng DA RF02 layunin ng pasilidad na mapataas ang kalidad ng livestock industry sa Lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng artipisyal na inseminasyon (AI).
Sa pamamagitan ng dekalidad na semilya, inaasahang mapapalakas ang produksyon ng gatas at karne sa rehiyon na magiging daan tungo sa mas matatag na seguridad sa pagkain at mag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.
Ayon kay Regional Director RF02 Dr. Rose Mary Aquino, hindi lamang ang teknolohiya ang susi sa tagumpay ng proyekto kun’di ang kasanayan at dedikasyon ng mga eksperto at magsasaka.
“It is not the machine that counts for us here. It is the integrity and credibility of the output and the people who know how to use them that matters to us. This enhances the region’s food security and contributes to the country’s agricultural self-sufficiency. The semen facility also serves as a hub for knowledge sharing and capacity building among farmers, particularly the youth,” pahayag ni RD Aquino.
Samantala, ibinahagi naman ni RTD for Research and Regulations Ms. Kay Olivas na dating kilala ang lugar bilang Cagayan Breeding Station, isang breeding ground ng Kalahari at Boer goats.
Ang matagumpay na pagbubukas ng nasabing laboratoryo ay itinuturing na isang mahalagang hakbang sa pagsulong ng agrikultura sa Cagayan Valley na nagpapatunay sa dedikasyon ng rehiyon sa pagpapalakas ng livestock industry.