MAHIGIT 2,000 BENEPISYARYO MULA SA PITONG BAYAN SA CAGAYAN, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSIYAL NG AKAP PROGRAM NG DSWD

Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang mahigit dalawang libong benepisyaryo sa anim na bayan sa Cagayan mula sa Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Lunes, ika-25 ng Nobyembre, 2024 na ginanap sa Leonardo Mamba Gymnasium, lungsod ng Tuguegarao. Naunang nababaan ngayong araw ang pitong bayan na continue reading : MAHIGIT 2,000 BENEPISYARYO MULA SA PITONG BAYAN SA CAGAYAN, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSIYAL NG AKAP PROGRAM NG DSWD

ANIM NA ATLETANG CAGAYANO, SUMABAK SA BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIP GAMES 2024

Sumabak ang anim na kabataang atleta mula sa probinsiya ng Cagayan sa unang araw ng Batang Pinoy National Championship Games 2024-Cycling Event ngayong Lunes, ika-25 ng Nobyembre sa Puerto Princesa City, Palawan. Ang mga kabataang manlalaro na sumali sa Batang Pinoy Games partikular na sa isport na cycling ay sina Davine P. Novo mula sa continue reading : ANIM NA ATLETANG CAGAYANO, SUMABAK SA BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIP GAMES 2024

CPLRC, IPINAGDIWANG ANG ‘LIS MONTH’ SA PAMAMAGITAN NG PAGKILALA SA MGA AKLATAN AT MGA LAYBRARYAN SA CAGAYAN

Ipinagdiwang ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang Library and Information Services Month ngayong buwan ng Nobyembre sa pamamagitan ng pagkilala sa mga aklatan at mga laybraryan sa lalawigan. Sa isang programang ginanap sa CPLRC Grounds, Tuguegarao City ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 25, 2024 na pinangunahan ni continue reading : CPLRC, IPINAGDIWANG ANG ‘LIS MONTH’ SA PAMAMAGITAN NG PAGKILALA SA MGA AKLATAN AT MGA LAYBRARYAN SA CAGAYAN

PA MAMBA-VILLAFLOR, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA PUROK AGKAYKAYSA SCHOLAR

Pinangunahan ni Provincial Administrator Maria Rosario Mamba-Villaflor bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba ang pamamahagi ng scholarship assistance para sa mga Purok Agkaykaysa scholar mula sa anim na bayan sa Cagayan para sa unang semestre ng S.Y. 2024-2025 ngayong Sabado, Nobyembre 23, 2024. Nakasama ni PA Mamba-Villaflor ang Provincial Treasury Office, Provincial Social Welfare and continue reading : PA MAMBA-VILLAFLOR, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA PUROK AGKAYKAYSA SCHOLAR

CPLRC HEAD MICHAEL PINTO, GINAWARAN NG PARANGAL SA NATATANGING LAYBRARYAN 2024 NG PLAI

Ginawaran ng Parangal sa Natatanging Laybraryan 2024 ng Philippine Librarians Association Inc. (PLAI) si Michael Pinto, Provincial Librarian at Head ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. Ang parangal ay ibinigay kahapon, Nobyembre 22, 2024 sa National Congress ng PLAI sa Grand Menseng Hotel, Davao City. Ang Gawad Parangal continue reading : CPLRC HEAD MICHAEL PINTO, GINAWARAN NG PARANGAL SA NATATANGING LAYBRARYAN 2024 NG PLAI

PVET, NAGSAGAWA NG ANTI-ANTHRAX VACCINATION SA ALCALA, CAGAYAN; MAHIGIT 60 KALABAW, NABAKUNAHAN

Ikinasa ng Provincial Veterinary Office (PVET) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pagbabakuna ng kontra anthrax sa 64 na kalabaw sa Alcala, Cagayan kahapon, Nobyembre 21, 2024. Ayon kay Dr. Myka Ponce, Veterinarian IV ng PVET, ang mga kalabaw na naturukan ng anti-anthrax at bitamina ay mula sa mga barangay ng Piggatan, Tupang, at Maraburab, continue reading : PVET, NAGSAGAWA NG ANTI-ANTHRAX VACCINATION SA ALCALA, CAGAYAN; MAHIGIT 60 KALABAW, NABAKUNAHAN

PAGSASANAY HINGGIL SA GEOGRAPHICAL INFORMATION SYSTEMS, SINIMULAN NA NG CAGAYAN PDRRMO

Sinimulan na ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsasanay hinggil sa Geographical Information Systems (GIS) sa Sub-Capitol Bangag, Lal-lo, Cagayan, kahapon, Nobyembre 21, 2024. Ayon sa PDRRMO, layon nitong makapagtatag ng sapat na kaalaman sa paggamit at kahalagahan ng GIS sa pagkalap at makita ang mga solusyon sa malubhang epekto continue reading : PAGSASANAY HINGGIL SA GEOGRAPHICAL INFORMATION SYSTEMS, SINIMULAN NA NG CAGAYAN PDRRMO

MOA SIGNING PARA SA “KWARTO NI NENENG” PROJECT, ISINAGAWA SA PAGITAN NG PGC AT DILG

Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Provincial Government of Cagayan (PGC) at Department of Interior and the Local Government (DILG) Region II kaugnay sa proyektong “Kwarto ni Neneng” sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024. Si Gov. Manuel Mamba ang lumagda bilang kinatawan ng PGC habang si Regional Director Agnes continue reading : MOA SIGNING PARA SA “KWARTO NI NENENG” PROJECT, ISINAGAWA SA PAGITAN NG PGC AT DILG

#AlertoCagayano| Dumating na sa kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga Family Food Packs (FFP) na nakatakdang ipamahagi sa iba’t ibang mga Lokal na Pamahalaan sa probinsya.

Ang mga dumating na FFPs ay bilang suporta at tugon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa kahilingan ng Probinsya ng Cagayan. Kaugnay rito, aabot sa 15 trucks ang dumating ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024 na naglalaman ng 25,300 FFPs habang nauna ng dumating kagabi ang nasa 18,700 FFPs na isinakay continue reading : #AlertoCagayano| Dumating na sa kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga Family Food Packs (FFP) na nakatakdang ipamahagi sa iba’t ibang mga Lokal na Pamahalaan sa probinsya.

TINGNAN | Sumailim ang mahigit dalawampu na mga bagong permanenteng empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Employees Onboarding Orientation Program ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024.

Ang mga kalahok ay mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Engineering Office (PEO), Provincial Veterinary Office (PVET), Gattaran Emergency Hospital, Provincial Accounting Office, Baggao District Hospital, Ballesteros District Hospital, at Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital. Ang programa ay may layuning ihanda ang mga empleyado sa kanilang mga tungkulin bilang bahagi continue reading : TINGNAN | Sumailim ang mahigit dalawampu na mga bagong permanenteng empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Employees Onboarding Orientation Program ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024.