
ISANG CAGAYANO, NAGTAPOS BILANG SUMMA CUM LAUDE SA UNIVERSITY OF NEW YORK
Isang Cagayano ang muling nagbigay karangalan sa lalawigan nang magtapos bilang Summa Cum Laude sa kanyang Master’s Degree sa State University of New York sa Albany.
Kinilala si Yumi Raya Perez-Cruz hindi lamang dahil sa kanyang mataas na akademikong karangalan kundi maging bilang Most Outstanding Graduate Student at Joan E. Schultz Endowment Scholar.
Si Perez-Cruz ay isang tubong Tuao, Cagayan at apo nina Tuao Sangguniang Bayan Member Marcita Mamba-Perez at Nido Perez.







