ISANG CLUB NUMERO UNO SCHOLAR, SUMMA CUM LAUDE SA UNIVERSITY OF SAN FRANCISCO SA USA

Isang kahanga-hangang tagumpay ang nakamit ng isang Club Numero Uno scholar matapos magtapos bilang Summa Cum Laude sa University of San Francisco sa California, USA.

Kinilala si Ina Estelle P. Mamba, tubong Tuao, Cagayan at nagtapos sa School of Management sa University of San Francisco sa California, USA.

Nagtapos si Mamba ng kursong Accounting na may minor sa Philippine Studies Program.

Siya ay nagtapos din bilang class valedictorian ng Multiple Intelligence International School noong 2022.

Maliban dito, siya rin ang nanguna sa ABM Strand na may Highest Honors at tumanggap ng iba’t ibang parangal kabilang ang Magnificentia Award, Ad Excellentiam Award, at Leadership Award.

Si Ina Estelle ay anak ni Tuao Vice Mayor Atty. Francisco Mamba, Jr. at Ginang Corinne Mamba.

Ang Club Numero Uno scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay naglalayong magbigay ng scholarship sa mga nagtatapos na valedictorian sa lahat ng senior high school sa lalawigan.

Ang programang ito ay sinimulan ni dating gobernador at ngayo’y Bise Gobernador Manuel Mamba at nagpapatuloy sa administrasyon ni Gob. Edgar “Manong Egay” Aglipay