
TATLONG CAGAYANO, PASOK SA TOP 4 AT TOP 10 NG SEPTEMBER 2025 PSYCHOMETRICIANS LICENSURE EXAMINATION
Tatlong Psychology graduates mula Cagayan ang pumasok sa listahan ng National Topnotchers sa katatapos na Board Licensure Examination for Psychologists and Psychometricians (BLEPP) 2025.
Nakamit ni Wynona Faye S. Aquino ang Top 4 matapos makakuha ng 88.80% average, habang kapwa Top 10 sina Marianne Elizabeth Corotan at Violy Daliuag Lupani na nakapagtala ng 87.60%.
Si Aquino ay tubong Tuguegarao at Corotan ay tubong Lal-lo na kapwa nagtapos ng Bachelor of Science in Psychology sa University of Saint Louis – Tuguegarao (USLT). Samantala, si Lupani naman ay tubong Abulug, Cagayan at nagtapos sa Cagayan State University – Carig Campus (CSU-Carig).
Samantala, nagtala ang USLT ng 91.07% passing rate, habang ang CSU-Carig ay nakapagtala ng 87.10%, parehong mas mataas sa 86.99% national passing rate.






