ISANG TUGUEGARAOEÑO, NAKASUNGKIT NG GINTONG MEDALYA SA THAILAND INTERNATIONAL MATH OLYMPIAD 2025

Nasungkit ng mag-aaral na si Ishie Maurice Ballad Narag, labing-pitong taong gulang na tubong Tanza, Tuguegarao City, ang isa na namang gold medal sa ginanap na Thailand International Math Olympiad (TIMO) 2025 sa Bangkok, Thailand.

Si Narag ay kasalukuyang Grade 12 student sa Cagayan National High School, at nakakuha siya ng Gold Medal sa TIMO-Heat Round 2025.

Una na siyang sumabak sa international competition noong Agosto 23, 2025 sa Hong Kong International Math Olympiad (HKIMO 2025) kung saan nakamit niya ang Silver Medal sa heat round at Gold Medal sa final round.

Nagbigay naman ng mensahe si Narag sa kaniyang mga kapwa kabataan na huwag matakot sa mathematics bagkus ay sikaping matutunan ito at maniwala sa kanilang sariling kakayahan para umunlad.

“Mathematics has taught me that every problem has a solution, even if it takes time and effort to find it. To my fellow youths: don’t fear math, embrace it! Math isn’t about being perfect; it’s about learning step by step and building confidence along the way. Every challenge you solve builds your confidence and opens doors to endless possibilities. Keep pushing, learning, and believing in your ability to grow,” ani Ishie Narag.

Samantala, pinaghahandaan na rin niya ang susunod na laban para sa TIMO Finals 2026 na gaganapin sa Impact Muang Thong Thani, Bangkok, Thailand.