Pasok sa Top 7 sa buong bansa ang tubong Solana, Cagayan na si Laurence Aglay Castillo sa katatapos lang na August 2025 Medical Technologist Licensure Exam.

Kabilang si Castillo sa tatlong pumwesto sa Top 7 sa buong bansa at nakakuha ng 91.90% sa pagsusulit.

si Castillo ay nagtapos ng Bachelor of Science in Medical Laboratory Science sa Cagayan State University (CSU) Andrews Campus.