TATLONG BATANG CAGAYANO, SASABAK SA INTERNATIONAL KARATEDO COMPETITION

Nakatakdang lumaban ang tatlong batang Cagayano sa MV Karate Cup International matapos magwagi sa 1st Japan Karate Hakuakai (JKH) Tuao Open Karate Championship,

Kabilang sa mga lalaban bilang pambato ng bansa sina Iris Cynthia Pobre, Jaden Francis Pobre, at John Wellington Gregorio ng Lungsod ng Tuguegarao kasama ng kanilang coach na si Iñigo Pobre.

Ang mga batang atleta ay nagwagi ng samu’t saring medalya mula sa JKH Tuao Open Karate Championship kamakailan dahilan para umabante ang mga ito sa international arena.

Isasagawa ang MV Karate Cup International sa Velodrome, Tagaytay sa Agosto 22-24, 2025. Maliban dito, sasabak din ang mga ito sa Batang Pinoy 2025 na isasagawa naman sa General Santos City sa ika-25 hanggang ika-31 ng Oktubre 2025.

Samantala, bago ang nakatakdang laban ng mga ito, personal silang nakipag-usap kay Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay para humingi ng suporta na siya namang buong ibinigay ng Ama ng Lalawigan.

Nakita rin ito ang pangangailangang tutukan ang sektor ng isports sa lalawigan na dapat pang linangin at pagyamanin.