CPLRC HEAD MICHAEL PINTO, NATATANGING AWARDEE NG REGIONAL DANGAL NG BAYAN AWARD

Namumukod-tangi sa buong Lambak ng Cagayan na ginawaran ng Dangal ng Bayan Award ang hepe ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) na si Michael Pinto sa 2025 Search for Outstanding Government Workers (SOGW).

Mula sa siyam na nominees ng Dangal ng Bayan Award, tanging si Pinto lamang ang ginawaran ng parangal.

Dahil dito, inendorso ito ng Civil Service Commission (CSC) Region 02 Honor Awards Program (HAP) bilang nominee sa 2025 SOGW National level.

Nagsimula ang screening process ng mga dokumento para sa Regional SOGW nitong buwan ng Abril, habang isasagawa naman ang validation ng SOGW National level sa darating na buwan ng Hulyo kung saan malalaman ang mga nagwagi dito sa buwan naman ng Setyembre.

Aashang isasagawa ang national awarding ceremony sa MalacaƱang Palace kasabay ng selebrasyon ng 125th Philippine Civil Service Anniversary Celebration.

Samantala, posibleng isagawa ang regional awarding ceremony kung saan tatanggapin ni Pinto ang parangal bago ang buwan ng Setyembre.

Si Pinto ay multi-awarded Librarian ng lalawigan dahil maliban sa natanggap na parangal, ginawaran na rin ito ng Unang Gantimpala Award ng National Library at The Asia Foundation; 2nd Placer ng 2020 Gawad Parangal Professional Librarian Category; sa ilalim ng kanyang pamumuno sa CPLRC, ginawaran ito ng 2023 Top Performing Library ng National Library of the Philippines; Most Functional School Library at Outstanding Cagayano Librarian, at marami pang iba.