“KARATE KID” NG TUGUEGARAO CITY, NAG-UWI NG KAMPEONATO MULA SA 1ST ASIA TOURNAMENT AT 20TH NATIONAL FULL CONTACT KARATE TOURNAMENT

Nag-uwi ng kampeonato ang incoming Junior High student at tubong Linao Norte, Tuguegarao City na si Alexa Vera Quilang sa katatapos lamang na 1st Southeast Asia Tournament at 20th National Full Contact Karate Tournament sa Antipoplo City Sports Hub nitong Mayo 25, 2025.

Binansagang “Shao Drei” o Karate Kid ng Tuguegarao City ang batang kampyonato dahil idolo umano nito ang karakter ni Jaden Smith sa pelikulang ‘Karate Kid’ na isa sa mga dahilan kung bakit nito ipinagpatuloy ang maagang karera sa Karate.

Ayon sa pagbabahagi ng ina ni Alexa na si Ginang Lenie Quilang, nagsimula umano ang kanyang Karate Journey sa pagsali niya sa Kyukoshinryu Tuguegarao Dojo taong 2022. Simula noon ay nagpatuloy na ang gigil nito sa training at pagsali sa mga Karate competition.

“She started her Karate Journey and joined KYUKOSHINRYU TUGUEGARAO DOJO year 2022 under her instructor SENSEI CHRISTOPHER MALLILLIN

since then, nagbunga ung sipag nya sa pagttraining and as of this time ito ung mga awards na nakuha (invitational at national tournaments),” saad ni Ginang Quilang.

Dahil dito, ilang medalya na ang naiuwi ni Alexa kabilang na dito ang 10 Championship trophys at isang bronze medal na nakuha sa Kumite o sparing, habang 1 gold medal, 2 silver medals, at 1 bronze medal sa Kata.

Maliban sa Karate, isa ring Junior Blackbelter Belt of Philippine Taekwondo Academy sa ilalim ng Strikers Taekwondo Academy kung saan siya rin ay sumali at lumaban sa iba’t ibang invitational tournaments sa loob at labas ng rehiyon.

Ayon pa kay Ginang Quilang, naipagsasabay naman ni Alexa ang kanyang pagaaral at dedikasyon sa sports at simula pa elementarya ay isa siyang consistent academic awardee.

“Ever since napagssabay nman po nya ang kanyang studies at ang kanyang sports at during her elementary consistent nman po sya na academic awardee,” pagbabahagi ni Ginang Quilang.

Sa ngayon ay ipagpapatuloy ni Alexa ang pagsasanay sa Karate para mapahusay pa ang kanyang talento dito.

Samantala, wagi rin sa nasabing kompetisyon sina:

UNDER TUGUEGARAO BRANCH

– Jhon Edmar Bunagan, Champion sa 7years old boys below category

– Jerome Mallillin, Champion, Kata category

– Ivana Callejo, Champion 8-9 years old category

– James Callejo, Champion, 10–11 years old boys category

– Angelbert Baggayan, Champion, 14-15 years old boys category

– Nicole Tagum, Cahmpion, 14-15 girls category

– Isiah Marxiel Ibay, 2nd place, 8-9 years old boys category

– Daivus Tamayao, 2nd place, 10-11 years old boys category

– Markvince Calayan, 2nd place, 14-15 years old category

– Kristine Narag, 3rd place, 16-17 years old category

– Rexyd Vience Balajadia, 3rd Place, 10-11 years old category (Ugac Branch)

– Krizza Mae Pascual, 2nd place, 14-15 years old catergory (Lannig Solana Branch)

– Kristine Kaye Sosa, 3rd place, 14-15 years old category (Lal-lo Branch)