
ISA SA SIYAM NA TOP 9 SA MAY 2025 NURSING LICENSURE EXAM, TUBONG LASAM, CAGAYAN
Muling naipaskil ang galing ng isang Cagayano matapos pumwesto sa Top 9 nationwide ang isang nursing graduate sa katatapos lamang na May 2025 Nursing Licensure Exam (NLE).
Si Ellyza Lagasca Cortez na tubong Lasam, Cagayan ay kabilang sa siyam na pinalad na pumwesto sa Top 9 sa buong bansa.
Nagtapos si Cortez ng Bachelor of Science in Nursing sa Saint Paul University – Tuguegarao.
Nakuha ng dalaga ang 88.20% percentile sa nasabing pagsusulit. Sa kabuuan, nakakuha naman ng 98.94% passing rate ang nasabing paaralan at pumwesto din bilang No. 02 top performing school.