Kasalukuyang nagsasagawa ng limang araw na pagsasanay ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Construction project evaluation system at Disaster Risk Reduction-climate change Adaptation sa Villa Blanca hotel, Tuguegarao City.
Sa naging panayam ng CPIO-TeleRadyo kay Rueli Rapsing, Officer-in-Charge ng PDRRMO, layon nitong turuan ang mga kalahok sa mga pagpaplano para maibsan ang epekto ng kalamidad sa probinsiya.
Aniya, kasama sa naturang pagsasanay ang mga Municipal DRRM Officer, Municipal planning officer at Municipal Engineer mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Sinabi ni Rapsing na kasama sa kanilang ginagawang pagsasanay ang pagtiyak na sumasailalim at pumapasa sa lahat ng “structures building code” ang mga naipapatayong gusali o bahay sa kanilang mga nasasakupan para magkaroon ng disaster climate resilient.
Bukod dito, ginagawa rin sa pagsasanay ang pagpaplano na mapabilang ang mga MDRRMO sa pagbibigay ng “building permit” upang matiyak na maayos ang mga maipapatayong gusali ay matibay sa anumang kalamidad.
Sinimulan ang naturang pagsasanay nitong araw ng Lunes, Oktubre 14, 2024 at matatapos ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 18, 2024.
Nabatid na ang mga inimbitahang speakers ay mula sa Office of Civil Defense (OCD)-Region 02, Department of Science and Technology (DOST), Department of Public Works and Highways at mga contractors association.
