Kasalukuyang nakikiisa ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ilang kawani ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) sa tatlong araw na Regional Rescue Jamboree sa Diadi, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Arnold Azucena ng TFLC, nagsimula ang aktibidad ngayong araw, Oktubre 17, 2023 sa pamamagitan ng isang parade kasama ang lahat ng mga rescuer sa buong rehiyon.

Sinabi ni Azucena na ilan sa kanilang gagawin ay ang basic life support at iba pang mga pamamaraan nang pagresponde sa sakuna at kalamidad.

Aniya, layon nitong mas mapahusay pa ng bawat rescuer ang kanilang tungkulin at upang magkaroon ng pagkakaisa sa ibang mga rescuers sa rehiyon.

Nabatid na lahat ng mga Provincial DRRM at Municipal DRRM sa rehiyon ay dumalo sa aktibidad na inorganisa ng Federation of Cagayan Valley Rescue Group, Inc. (FCRGI).