Kasabay nito ay pinag-usapan naman ng pamunuan ng Office of Civil Defense at ni Gob. Mamba ang paglalatag ng mga komprehensibong hakbang na tutugon sa mga kalamidad na posibleng maranasan sa Cagayan tulad ng bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pa.

Tiniyak ng mga opisyal ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan at kolaborasyon upang maisakatuparan ang mandatong mapangalagaan at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Cagayan at sa buong rehiyon.

Kasama naman ni USec. Nepomuceno sa kanyang pagbisita si OCD Regional Director Leon DG. Rafael at iba pang mga kawani ng ahensiya. Habang dumalo rin ang mga department head ng Kapitolyo ng Cagayan at sina Board Member Rodrigo De Asis at Ex-Officio BM Jirowell Alameda sa naging pag-uusap ni Gov. Mamba at USec Nepomuceno.