May be an image of ‎text that says "‎MAATEROS, ΝHKΙ CABAAH ኢሮና 山發娜 BALLESTEROS, MЛληЛИK CAGAYAN ודםם SEA CAEHmИи CAGAYIAN GeIr BRING THE BALLESTEROS, CAGAYAN PRIDE WITH YOU, QUEEN Opisyal nang kakatawanin Rina Andrea Delos Santos, 26 na taong gulang ang bayan ng Bal- lesteros, Cagayan sa Miss Philippines Earth 2026. INFORMATIEN NOW CPIO‎"‎

Opisyal nang kakatawanin ni Rina Andrea Delos Santos, 26 na taong gulang ang bayan ng Ballesteros, Cagayan sa Miss Philippines Earth 2026.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Rina, higit pa sa isang titulo ang kanyang paglahok sa pageant dahil itinuturing niya itong isang pagkakataon upang maisulong ang kanyang adbokasiya, maibahagi ang kuwento ng kanyang bayan, at maipakilala sa mas malawak na mundo ang likas na ganda at pagkakakilanlan ng Ballesteros.

Ayon sa kanya, bibitbitin niya sa entablado hindi lamang ang lugar na kanyang pinagmulan kundi pati ang layunin at pagmamahal para sa kalikasan at komunidad.

Samantala, umani ng suporta at pagbati mula sa mga Cagayano ang kanyang pagpasok sa pambansang patimpalak, bitbit ang pag-asang maitaas ang bandera ng Ballesteros at ng buong Cagayan sa entablado ng Miss Philippines Earth.

Ang Miss Philippines Earth 2026 ay sinalihan ng 33 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Gaganapin ang coronation night nito sa Hunyo 27, 2026 sa Malitbog, Bukidnon. (