
Matagumpay ang isinagawang culminating activity ng programang “Read to Move” ng Office of the Vice Governor at Sangguniang Panlalawigan sa Bayan ng Tuao sa pangunguna ni Bise Gobernador Manuel Mamba ngayong Huwebes, Hunyo 04, 2026.
Ang Read to Move program ay inilunsad ni Bise Gobernador Mamba, na naglalayong mapahusay ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral at mabigyan ng mas matibay na pundasyon sa pagkatuto.
Ayon kay Bise Gobernador Mamba, ang programang Read to Move ay bahagi ng mas malawak na adhikaing “No Child Left Behind”, na naglalayong mabigyan ng pantay na oportunidad ang bawat batang Cagayano na matuto.
Kaugnay nito, kanyang pinasalamatan ang lahat ng mga volunteer tutor, mga opisyal ng Department of Education (DepEd), mga guro at mga magulang na naging katuwang sa tagumpay ng programa at sa patuloy na paggabay sa mga kabataan a
Tumanggap naman ang mga benepisyaryong mag-aaral ng mga school bag at iba’t ibang school supplies na magagamit at makatutulong sa kanilang pag-aaral. Nagkaloob din ng mga t-shirt sina 3rd District Board Member Romar De Asis, 3rd District Board Member Jean Alphonse Ponce, at Ex-officio Board Member Bryan Paul Vargas bilang suporta sa mga kabataan.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga magulang ng mga benepisyaryo dahil sa positibong epekto ng programa sa kakayahan sa pagbasa at pagkatuto ng kanilang mga anak.
Dumalo naman sa aktibidad sina Tuao Mayor William Mamba, Vice Mayor Francisco Mamba Jr. kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tuao, mga opisyal ng DepEd Cagayan, mga department head ng Kapitolyo ng Cagayan, mga guro, at mga opisyal ng barangay.






