
Isinagawa ng Cagayan Tourism Office (CTO) ang “FUN FOR ALL” o Facilitating Universal Navigation-for Opportunities, Rights and Acess to Limitless Leisure in Cagayan, isang two-day seminar-workshop nitong May 22-23, 2025 sa Reluxx Tropicana Hotel and Resort, Sanchez Mira, Cagayan.
Ito ay hinatid ng CTO sa pakikipagtulungan ng LGU Sanchez Mira.
Layon ng aktibidad na magbigay kaalaman sa tourism stakeholders ang tungkol sa iba’t ibang batas, polisiya, at lokal na implementasyon na nakatuon sa Persons with Disabilities (PWDs), maging ang iba’t ibang disabilities, paano alaagan ang mga PWD, at basic sign language.
Ito ay dinaluhan ng 42 kalahok mula sa iba’t ibang stakeholders kabilang ang kinatawan mula sa hotels at resorts, barangay officials, tour guides, Municipal Tourism Officers ng mga bayan ng Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez Mira, Claveria, at Santa Praxedes.
Ayon sa CTO, ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagsusulong ng PGC sa inclusive, accessible, at sensitive tourism kung saan lahat ng turista ay masaya sa kanilang paglalakbay sa Lalawigan ng Cagayan.
Ayon naman kay Sheila Imatong, barangay kagawad ng Namuac, Sanchez Mira, napakaganda aniya ng pagsasanay dahil marami silang natutunan.
Samantala, sambit naman ni Arch. Reybert Quirolgico, MTO ng Ballesteros na mahalaga na maging mas makatao sa pakikitungo sa mga turistang PWD upang mas maging maayos ang kanilang pagbisita sa mga pook-pasyalan.
Naging tagapagsalita naman sa seminar sina Amalia Decena, President, Handicables Association of Cagayan; Nescy Pagaduan, accredited sign language teacher ng Deped, at Restituto Vargas, In-charge of Persons with Disabilities Affairs Office ng Provincial Social Welfare Development Office.