
Nanumpa kay Gov. Manuel Mamba ang bagong set ng Cagayan Assessors and Real Estate Appraiser, Inc. (CAREA) officers 2025-2027 sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang mga Municipal Assesors ay sinamahan ni Provincial Assessor Engr. Alice Emma Pason ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kasama sina Engr. Nasario Cesar Baclig, Municipal Assessor ng Sta. Ana, at Engr. Edgar Guillermo, Municipal Assessor ng Baggao bilang mga adviser.
Ang mga nanumpa ay sina Julius U.S.R. Catral, Municipal Assessor ng Aparri bilang Presidente; Engr. George M. Gannaban , Municipal Assessor ng Amulung bilang Bise Presidente; Engr. Jaime -11 R. Daliuag, Local Assessment Officer II ng Tuao bilang Secretary; Ms. Madeline Q. Gapas, Municipal Assessor ng Claveria bilang Assistant Secretary; Fernando B. Cadangan, Municipal Assessor ng Enrile bilang Treasurer; Engr. Maricris G. Telan, Municipal Assessor ng Iguig, Assistant Treasurer; Ma. Teresa B. Carag, Municipal Assessor Solana bilang Auditor; Marites A. Lara, Municipal Assessor ng Gattaran bilang Public Information Officer at Ferdinand L. Daliuag, Municipal Assessor ng PeƱablanca bilang Business Manager.
Ang mga assessor ay nanumpa para gampanan ng maayos at tama ang kanilang tungkulin. Ang mga Assessor ay may mahalagang papel sa mga lokal na pamahalaan lalo na sa pangangasiwa sa mga real properties sa loob ng munisipalidad.
Ipinatutupad ng mga assessor ang mga batas at polisiya na itinakda ng bansa na may kinalaman sa pagsasagawa ng appraisal at assessment ng mga real properties. Sakop rin nila ang pagpaplano at pagpapatupad ng mas epektibong paraan ng Real Property Tax Collection






