Nagtipon ang Cagayano authors at writers ngayong Huwebes, Hunyo 20, 2024 para sa 3rd Cagayan Authors and Summit na isinagawa sa Go Hotel, Tuguegarao City.

Ang pagtitipon na ito na pinangunahan ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ay bahagi ng selebrasyon ng 441st Aggao Nac Cagayan.

Pinangunahan ni Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, Provincial Administrator; Michael Pinto, Provincial Librarian; at Arnold Alonzo, Co-chairperson ng Aggao Nac Cagayan Steering Committee 2024 na siyang kumatawan kay Atty. Mabel Villarica-Mamba, Unang Ginang at Chairperson ng Aggao Nac Cagayan Steering Committee.

Nabanggit ni Pinto na napakalaki ng papel ng good governance ni Governor Manuel Mamba sa likod ng tagumpay ng mga programa at proyekto ng CPLRC. Aniya, isa sa mga layon ng ama ng lalawigan ang isulong ang edukasyon at ang Panlalawigang Aklatan ay isa sa inayos niya upang makapagsilbi hindi lamang sa mag-aaral, kun’di sa mamamayan.

Sa kanya namang mensahe, inilahad ni Atty. Mamba-Villaflor na nagsimula ang lahat sa paghihimok ni Gov. Mamba ng “dream with me” kung saan unang nangarap ang Gobernador na ayusin ang Cagayan sa ilalim ng kanyang Cagayan Development Agenda o CAGANDA 2025 na siyang naging gabay upang makamit ng lalawigan ang iba’t ibang mahahalagang programa at proyekto nito ngayon.

Sinambit ni Atty. Mamba-Villaflor na gusto ni Gov. Mamba na maging bahagi ang lahat ng Cagayano at magkaroon ang bawat isa ng papel sa pagpapaunlad ng lalawigan. “Each and every of us should take a role as the Governor always say,” aniya

Kanya namang binigyang-diin ang papel ng mga manunulat sa pag-unlad ng Cagayan. “As writers and authors, you can be part of this. Write and inspire other Cagayanos to take roles too,” paghihimok pa niya.

Layon ng summit ang magkaroon ng palitan ng kaalaman, magkaroon ng pag-uusap, at maorganisa muli ang mga manunulat sa lalawigan.

Iprinisinta at unang pinag-usapan ang Cagayan Research and Publication Agenda, isang 10-year plan ng grupo na naglalahad ng kanilang mga plano at papel sa pakikibahagi sa pagpapaunlad ng literatura sa Cagayan, lalo sa larangan ng pagtataguyod sa yamang kultural.

Nagkaroon din ng election ng mga bagong officer ng organisasyon ng nagtipon-tipon na authors. Ang mga bagong itinalagang opisyal ay sina:

President: Antonio Tamayao

Vice President: Nelia Cauilan

Secretary: Lermalyn C. Marcos

Treasurer: Edlyn Narag

Auditor: Myrna Adduru

Business Manager: Gloria Marcos

PRO: Eloisa Mabborang

Board of Directors:

1st District: Marcelo Raquepo at Romeo Pascua

2nd District: Mylene P. Daquioag at Christopher Cauan

3rd District: Romeo Clemente at Jaypee Alegado

Samantala, nangako ang grupo na ang summit ang simula lamang ng mas marami pang mga proyekto at programa na kanilang ilulunsad para sa organisasyon katuwang ang PGC at CPLRC.