Ang Camalanuigan-Aparri bridge ay isa sa 5 major bridges na inisyatibo ni Governor Manuel Mamba. Pinondohan ang makasaysayang tulay sa ilalim ng “Build, Build, Build” project ng Duterte administration sa halagang P2.4 billion.

Aasahan na magiging alternatibong daan sa Magapit suspension bridge ang tulay kung saan makikinabang ang mga Cagayano sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa iba pang mga bayan sa probinisya.