Ang mga dumating na FFPs ay bilang suporta at tugon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa kahilingan ng Probinsya ng Cagayan.

Kaugnay rito, aabot sa 15 trucks ang dumating ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024 na naglalaman ng 25,300 FFPs habang nauna ng dumating kagabi ang nasa 18,700 FFPs na isinakay sa 9 na truck.

Aasahan pa ang pagdating ng karagdagang augmentation support bukas upang makaagapay sa pangangailangan ng mga labis na apektado ng magkakasunod na kalamidad sa Cagayan.

Kasama naman sa mga tumulong sa pagsasaayos ay ang mga kawani at recruits mula sa hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) region 2 at mga kawani ng Philippine Coast Guard.