Kabilang sa ika-walong pwesto sa buong bansa ang Cagayano na si Johannah Faye Navarro sa katatapos lang na December 2024 Licensure Examination for Certified Public Accountant.

Nakakuha si Navarro ng 88.0% sa nasabing pagsusulit kasama ang anim na iba pang pumwesto din sa ika-walong posisyon sa buong bansa.

Si Navarro ay tubong Baggao, Cagayan na nagtapos sa Cagayan State University (CSU) Andrews Campus.

Mula sa 10,136 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa, 3,058 lamang sa mga ito ang pumasa na may katumbas na 30.17% passing rate.