Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang paghahatid ng mga Family Food Packs (FFP) sa iba’t ibang bayan ngayong Biyernes, ika-15 ng Nobyembre 2024 makaraang nanalasa ang mga bagyo sa lalawigan ng Cagayan.

Nabatid kay Restituto Vargas, Social Welfare Officer ng PSWDO, ang dalawang bayan na binigyan ng PSWDO ngayon ay ang bayan ng Gonzaga , Sta. Ana,Sta.Teresita at Alcala bilang bahagi ng augmentation efforts ng Kapitolyo ng Cagayan.

May alokasyong 1,500 na FFP ang bayan ng Gonzaga at 2,500 sa bayan ng Sta. Ana na ibinaba muna sa munisipyo ng Gonzaga sapagka’t hindi pa madaanan ang tulay patungo roon.

Katuwang ng PSWDO ang Alpha Company 86ID, 5ID Philippine Army sa pangunguna ni 2Lt. JB Lord Amith sa pagbababa ng FFPs sa bayan ng Gonzaga na tinanggap mismo ni Renie Imperio, Municipal Social Welfare Officer sa nasabing bayan.

Kaugnay nito may naibaba namang 2,000 FFP sa bayan ng Alcala at 500 FFP sa bayan ng Sta.Teresita.

Inaasahan na isusunod din ang iba pang mga bayan sa lalawigan na hahatiran ng mga FFP ng Kapitolyo ng Cagayan upang makatulong sa mga mamamayang hinagupit ng bagyo.