Pumasok sa Top 7 Nationwide ang isang tubong lungsod ng Tuguegarao na si Jozelle Mae Ballad Miguel sa katatapos lang na August 2024 Food Technologists Licensure Exam.

Si Miguel ay nakakuha ng score na 86.50 sa pagsusulit dahilan para mapabilang sa National Topnotchers ngayong taon.

Nagtapos si Miguel sa University of the Philippines Diliman sa kolehiyo at isa rin siyang alumna ng Tuguegarao City Science High School.