Binati naman ni Gov. Mamba ang grupo sa pagbibigay karangalan sa probinsiya ng Cagayan at nangakong magbibigay ito ng insentibo base sa kanilang naiuwing mga medalya.
Kabilang sa mga mahusay na karate athlete na nag-uwi ng gintong medalya ay si Amos Jian Mariano sa kategoryang 84kg Sr. open kumite sa ginanap na “Okazaki International Cup-2024 sa Manila; Rica C. Batang na nakasungkit naman ng silver medal para sa kategoryang 61kg cadet kumite; parehong nakuha nina Kimberly A. Bilog ang bronze medal para sa 47kg category at Ma. Aviana Chantal S. Zambale para naman sa intermediate kata at open kata sa 5th Karate Pilipinas National Championship na ginanap sa Tagaytay Combat Sports Complex.
Ang nagsilbing gabay ng mga atletang Cagayano sa kanilang pagsisikap na sungkutin ang medalya sa kompetisyon ay sina Sensei Rheivie Rebolledo at Sensei Rufino June Culangan mula sa Maharlika Martial Arts Academy.