Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang resolusyon na nagbibigay pagkilala kay Governor Manuel Mamba bilang top performing Governor sa Rehiyon Dos.
Ito ay kasunod ng inilabas na performance rating ng mga Governor sa Rehiyon na batay sa isinagawang “Pulso ng Bayan 2024” survey ng Hypothesis Philippines kung saan si Governor Mamba ang nanguna na nakakuha ng 94. 6% ratings.
Sa naganap na regular session ng SP noong Pebrero 14, 2024, inihain ni 3rd District Board Member Rodrigo De Asis ang mosyon na agad namang inaprubahan sa plenaryo.
Pirmado na rin ni Vice Governor Melvin Vargas Jr. na siya ring presiding officer ang resolution no. 2024-11-152 na nagbibigay papuri at pagkilala kay Gov. Mamba sa kanyang pambihirang paggampan sa tungkulin.
Matatandaang nitong nakalipas na linggo nang ilabas ng Hypothesis Philippines ang resulta ng kanilang survey kung saan nanguna si Gov. Mamba na sinundan ni Batanes Gov. Marilou Cayco na mayroong 93.8% rating; pumangatlo si Gov. Jose Gambino ng lalawigan ng Nueva Vizcaya na mayroong 93.1%; pang-apat si Gov. Rodolfo Albano III ng Isabela na nakakuha ng 92.9%, at pang-lima si Quirino Governor Dakila Carlo E. Cua na nakakuha ng 92.5% ratings.
Ang Hypothesis Philippines ay isang market research and strategy firm na tumutulong sa paglalabas ng boses ng mga Filipino sa isang lugar sa pamamagitan ng research at survey.