Personal na nagpaabot ng pasasalamat sa pamamagitan ng mensahe sa FaceBook page ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) ang Top 5 sa Respiratory Therapy Licensure Exam National Topnotcher na si Angelo Dupaya Dupitas.
Sa kanyang mensahe nagpasalamat si Angelo sa pagbati ng tanggapan sa kanilang pagpasa sa nasabing pagsusulit habang inihayag din nitong ikinararangal niyang kabilang siya sa mga scholar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
“Thank you, CPIO! Thank you, Gov. Mamba! Proud Agkaykaysa scholar ” mensahe ni Dupitas.
Si Dupitas ay tubong Tuao, Cagayan at ilang taon nang kabilang sa Purok Agkaykaysa Scholars ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na isa sa pangunahing programa ni Gob. Manuel Mamba na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa lalawigan.
Isa si Dupitas sa libo-libong scholars ng Kapitolyo ng Cagayan na nakapagtapos sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Isang malaking pribilehiyo umano ang mapabilang sa mga scholar ng kapitolyo kaya’t mensahe nito sa kapwa scholars na ibuhos ang kapasidad at talino kahit sa nasyonal na entablado.
“To my fellow Agkaykaysa scholars, you have been given an opportunity to pursue your dreams through the generous initiative of our good Governor Mamba’s Agkaykaysa scholarship program. Bilang iskolar ng bayan, isang pribilehiyo na bigyang dangal ang ating minamahal na bayan at lalawigan sa pamamagitan ng pagbuhos ng ating kapasidad at talino sa nasyonal na entablado. May we thrive through God’s provision and miracles. Agyaman, Gov. Mamba! Agyaman Cagayanos” saad ni Dupitas.
Plano ngayon ng binata na makatulong sa kapwa lalong lalo na sa mga may pangangailangan sa cardiorespiratory at makapagturo sa mga estudyanteng nais ding tahakin ang kursong kanyang tinapos.
Si Dupitas ay nakakuha ng average na 90.75% sa nasabing pagsusulit kasama ang dalawang iba pa. ###