Isang Ybanag topnotcher mula sa bayan ng Pamplona Cagayan ang pumwesto sa ika-4 na National Topnotchers sa katatapos lang na Geodetic Engineers Licensure Examination 2023.
Kabilang sa nakapwesto sa ika-apat ang Cagayanong si Aubrey Lalaine Aquino Lomibao na nakakuha ng 88.60 percentile sa nasabing pagsusulit.
Si Lomibao ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Geodetic Engineering sa University of the Philippines Diliman.
Maliban sa pagiging Magna Cum Laude, isa rin siyang 2021 GE Model Student Awardee at 2nd place sa Dr. Francis Chua Innovation Award, isang COE undergraduate competition.
Ang pamilya ng ina ni Lomibao ay nagmula sa Barangay Centro ng bayan ng Pamplona Cagayan.