Sumailalim sa pagsasanay ang mga empleyado ng Cagayan Provincial Engineering Office at ng Provincial Information Office sa Basic Drone Mapping Technique and Data Processing using DJI Terra 2D and 3D Mapping.

Sa pamamagitan ng bagong mga drone unit ng Engineering department, sinanay ang mga inhinyero sa gabay ni Nataniel Ablaza at Mitchell Andre Sy ng Skypixel 18 Aerial Photography na accredited ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa training ay naturuan ang mga trainee kung paano gamitin ang mga drone lalo na sa pag-iikot sa compound ng mga gusali. Hindi na rin umano kailangan pang manual ang gagamitin sa inspeksyon at iiko]utin ang buong compound. Magagamit rin ng mga engineer ang mga drone sa pagbubukas ng mga daan sa probinsiya.

Aasahan pa ang mga susunod na pagsasanay sa iba pang mga kawani ng mga departamento ng Kapitolyo.