Pinangunahan ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, unang ginang ng Cagayan at Patron of the Arts; Kevin Baclig, Museum Director-Curator ng Cagayan Museum; Lucio Taguiam, Jr., President ng Cagayan Artists Group, Inc. (CAGI); John Claude Rosales, Robinson’s Mall Administration Supervisor ang ribbon-cutting. Ang aktibidad ay dinaluhab naman ni Adriene Bautista, CAGI member, mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, at local artists. Ang “Agos ng Sining” exhibit ay bahagi pa din ng pagdiriwang ng National Arts Month at ang anibersaryo ng “I Love Cagayan River” Movement ng PGC. Matapos ang pagbubukas ng “BANNAG” exhibit sa Cagayan Museum bilang panimula ng selebrasyon ay sumunod ang unang

“AGOS NG SINING” sa SM Tuguegarao Downtown noong Pebrero-10. Sa Pebrero-20 naman ay bubuksan din ang isa pang exhibit sa SM City.