Pinangunahan ni Governor Manuel N. Mamba ngayong araw ng Hunyo-13 sa flag-raising ceremony sa Kapitolyo ang oathtaking ng mga bagong opisyal ng Cagayan Capitol Press Corps o CCPC.
Ang CCPC ay isang organisasyon na binubuo ng mga media practitioner sa Cagayan na may adhikain na suportahan hindi lamang ang mga miyembro nito, maging ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, ang probinsiya ng Cagayan at mga Cagayano sa pamamagitan ng mga programa at proyekto nitong pang-komunidad.
Ayon bagong President ng organisasyon na si Dextress M. Taguiam mula sa RMN, sa bagong pamunuan ng CCPC ay magiging pro-active sa pakikipagtulungan sa Provincial Government lalo na sa paghayag ng mga tamang kaalaman lalo na sa paghayag ng mga tamang kaalaman lalong lalo na sa pagprotekta sa sagradong boto ng bawat mamamayan upang maimulat sila sa katotohanang walang magandang idudulot ang pagbebenta ng boto sa lipunan.
Binati at pinuri naman ni Gov. Mamba ang mga bagong opisyal ng CCPC. Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan niya ang hanay ng media na dapat maging partisan lamang sila sa totoo.
Bilang nasa hanay ng media aniya, hinimok ng ama ng lalawigan ang mga CCPC officers at members na kumiling sa katotohanan, isiwalat lamang ang totoo, paniwalaan ang totoo, at ihayag lamang ang totoo.
Sinuportahan naman ni Pres. Taguiam ang mensahe ni Gov. Mamba “Aasahan na sa bawat salitang mamumutawi sa aming mga bunganga at sa bawat galaw ng aming mga daliri sa pagsusulat na may kaugnayan sa aming paggampanan sa aming tungkulin ay kalakip nito ang responsable at makatotohanang mga balita na walang halong panlilinlang upang baluktutin ang tama sa mali. Sa aming pagkakaisa mananatili po ang aming pagiging palakaibigan ngunit kailanman ay hindi kakampi sa katiwalian. Makikinig ngunit hindi tatahimik sa mga anomalyang aming malalaman,” ani Taguiam.
Sinabi din ni Taguiam na ang CCPC sa kanyang administrasyon ay pagsusumikpan na magkaroon ng mas mahigpit na relasyon sa Provincial Government upang mangibabaw at mapagibayo ang mga serbisyo publiko.
“Hiling lang po naming na sa bawat pagbisita ng bawat kasapi ng CCPC sa lahat ng opisinang pampubliko sana maging bukas ang inyong at handing papasukin para po tama lahat ang aming naibabalita. Kung sakaling sa tingin niyo mayroong mga pagmamalabis sa aming mga miyembro ng CCPC kami din po ay bukas upang pakinggan ang mga reklamo laban sa aming mga kasamahan,” sambit pa ni Taguiam.
Ang mga bagong officer ng CCPC ay sina:
President: Dextress Taguiam (RMN)
VP for Cable TV: Rodel Ordillos (RBC Cable)
VP for Radio: Floricadel Trilles (DZCV)
VP for Print: Gene Baquiran (PIA)
Secretary: Mielmia Marie Baquiran (CPIO)
Asst. Secretary: Miles Cruz (Big Sound FM)
Treasurer: Dina Tuddao-Villacampa (DWPE)
Auditor: Edwin Ramirez (MagikFM)
Press Relation Officer: Cayetano Tuddao (Clearview Cable/ RGMA)
Business Managers: Elmar De Leon (RGMA) at Ruby Ibay (Bombo Radyo)
Board Of Directors:
Print: Villamor Visaya, Jr. (PDI)
Radio: Vivian De Guzman (DWPE) at Pablo Mamauag (DZYT)
Social Media: Jerico Joshua Kahulugan (Northern Forum), Brent B. Martinez (Guru Press Cordillera)
CPIO: Barry de Jesus (CPIO)
ADVISER: Rogelio P. Sending Jr. (CPIO-PGC)
Kasama din sa flag-raising ceremony kanina sina Provincial Administrator Col. Sacramed, Chief of Staff Maria Rosario Mamba-Villaflor, mga department head at consultants, at mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.