Bilang suporta sa “I Love Cagayan River Movement” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, nagsagawa ang University of St. Louis Tuguegarao (USLT) ng isang clean-up drive sa Pinacanauan River side sa lungsod ngayong araw, Marso-5.
Ito ay pinangunahan ng teachers sa elementary department at mga non-teaching personnel ng nasabing unibersidad.
Ayon kay Prof. Ramil Corpuz na siyang Coordinator ng Community Engagements and CICM Advocacies ng USLT, bahagi ito ng pakikiisa ng unibersidad sa “I Love Cagayan River Movement”sa ilalim ng kanilang adbokasiya sa “Intregrity at Creation” at ng kanilang adhikain din na mapangalagaan ang kalikasan.
Ayon pa sa kanya, ang mga aktibidad na ito ay isasagawa nila tuwing Sabado.