
Umabot sa 70 bags ng dugo ang nakolekta mula sa mga boluntaryong donor kasabay ng kick-off ceremony ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong Miyerkules, Hulyo 1, 2026, na isinagawa sa Capitol Gymnasium sa Tuguegarao City.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na nanguna sa pagsasagawa ng bloodletting activity, kabilang sa mga boluntaryong donor ang mga responder ng Task Force Lingkod Cagayan–Quick Response Team (TFLC-QRT), mga kawani ng Provincial Office for People Empowerment (POPE), at mga uniformed personnel sa lalawigan.
Ang bloodletting activity ngayong araw ay layuning matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng dugo sa Cagayan Valley Medical Center na makatutulong sa bawat Cagayano.
Samantala, katuwang ng PDRRMO sa isinagawang bloodletting activity ang Provincial Health Office (PHO), bilang bahagi ng patuloy pagtutulungan ng dalawang tanggapan sa gitna ng mga kalamidad at sakuna sa lalawigan.







