Ipinamahagi sa 46 na Farmers Cooperative/Association sa Cagayan ang 61 na units ng farm machineries. Ginanap ang distribusyon sa Southern Cagayan Research Center (SCRC)-DA Iguig kahapon, February 22, 2023.
Sinabi ni Pearlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na ang nasabing pamamahagi ng agricultural machineries sa mga magsasaka ay nasa ilalim ng Rice Competitiveness and Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng bansa sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA).
Ang naturang programa aniya ay akda ni Senator Cynthia Villar. Bunsod nito ay malaki naman ang pasasalamat ng mga magsasaka kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging handog ng pamahalaan.
Ang programa rin ay may temang “Aarangkada ang mga magsasaka sa tamang paggamit ng makinarya.”
Layon din nito na makatulong sa mga magsasaka para sa produksyon ng kanilang mga produkto kung saan ang paggamit at pagpapatakbo nito ay pamamahalaan ng association o cooperative ng mga magsasaka.
Matatandaan na simula noong 2019 na naimplementa ang Rice Tariffication Law ay mayroong shares ng taripa ang mga rice farmer kung saan kasama dito ang ibibigay na agricultural machineries sa mga cooperation o association ng mga magsasaka.