Dumating na sa Kapitolyo ng Cagayan ang mga brand new XGMA wheeled backhoe na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa ilalim ng “No Town Left Behind” o NTLB program ni Gov. Manuel Mamba.

Unang naihatid ng supplier sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang 6 sa 29 na brand new backhoe na ipapamahagi sa 29 na bayan sa lalawigan ng Cagayan. Nakatakda namang dumating ang karagdagan pang kagamitan sa mga susunod na araw.

Ang mga nasabing heavy equipment ay napondohan ng P87 milyon subalit nabili lamang ito sa P85,887,560.00 sa pamamagitan ng “honest bidding” ng PGC.

Kasama rin na dumating ang isa sa dalawang unit ng hydraulic crawler type excavator na pinondohan ng P9 milyon sa ilalim ng Local Disaster Risk Reduction Management (LDRRM) fund na nabili ng PGC sa halaga namang P8.9 milyon.

Bukod dito, kasalakuyan na rin ang pre-bidding sa mga bibilhing service vehicle para naman sa 820 barangays sa Cagayan para sa “No Barangay Left Behind” program.

Ang lahat ng mga bagong heavy equipment at service vehicle ay ipapamahagi sa mga bayan at barangay kung saan pinatitiyak ni Gov. Mamba na ang lahat ng pondo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay maibababa at mapakikinabangan ng bawa’t Cagayano.

Sa kasaysayan, tanging si Gov. Mamba lang sa lahat ng mga probinsiya sa bansa ang mayroong programang “No Town/No Barangay Left Behind” na may layuning matiyak na ang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ay naibibigay ng tama sa mga Cagayano.###