Pumasa ang 51 na barangay sa Lalawigan ng Cagayan sa Seal of Good Local Governance for the Barangay o SGLGB 2024 ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang mga national passer ay kinabibilangan ng barangay Afusing Daga sa Alcala; Libertad sa Abulug, San Isidro sa Baggao; Bayo at Santa Teresa sa Iguig; Cagoran, Fusina, Jurisdiction, Logac sa Lal-lo; Dungan, Nanauatan, Gaggabutan West ng Rizal; Centro Sur, Centro Norte, Dungao, Niug Norte, San Manuel sa Sto. NiƱo; Mission sa Sta. Teresita; Bantay, Basi East, Bauan East, Centro Northeast, Centro Northwest, Centro Southeast, Centro Southwest, Lanna, Lingu, Nabbotuan, Nangalisan, Natappian East, Padul, Palao, Parug-Parug, Sampaguita, Maddarulug, Dassun, Furagui, Iraga, Andarayan South, Basi West, Bauan West, Gen. Eulogio Balao, Malalam-Malacabibi sa Solana; Centro 6, Capatan, Cataggaman Nuevo, Pengue, Tanza, Caritan Cerntro at San Gabriel sa Tuguegarao City at barangay Mungo sa Tuao.

Sa buong Rehiyon Dos, umabot sa 229 na barangay ang tinanghal na national passers ng DILG.

Pumasa ang mga nasabing barangay sa inilatag na indicators ng DILG katulad na lamang ng Peace and Order, Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Business-friendliness and competitiveness, at Environmental Management.

Ang SGLGB ay isang performance assesment at recognition system para sa mga barangay na nagpakita ng kahusayan sa pamamahala. Isa rin ito sa mga programa ng DILG na naglalayong makilala at mabigyan ng gantimpala ang mga barangay na may dedikasyon sa kanilang serbisyo-publiko.