Nagsagawa ng limang araw na pagsasanay ang Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan hinggil sa Basic Life Support-CPR at Standard First Aid Training sa Tuao District Hospital, Tuao, Cagayan mula Enero 22 hanggang 26, 2024.

Lumahok at nakapagtapos ng training ang 23 health workers na kinabibilangan ng mga nurse, nursing aid, at response drivers.

Layon ng pagsasanay na maging handa ang mga health frontliner sa anumang sakuna at paghahanda rin ng TDH para sa Universal Health Care at hospital licensing.

Ang training ay pinangunahan nina Robert Umoso Jr.II, Nurse IV/Provincial Disaster Risk Reductio and Management-Hospital Manager; Dr. Nicasio Galano Jr., Hospital DRRMH-Manager, TDH/COH; Dr. Angie Manuel, Medical Officer III ng Piat District Hospital; at Alain Peter Tumanguil, Nurse III ng PHO.