Nasungkit ng 4-H Club Sta. Ana, Cagayan ang National Excellence Achievement Awards (NEAA) 2024 sa ginanap na 71st Farm Youth (4-H) National Convention sa Dapat, Siargao Islands, Surigao del Norte nitong Hunyo 18 hanggang Hunyo 21, 2024.

Ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA), ang NEAA ng 4-H Club Agri-industry and Innovation (head category) ng Sta. Ana ay napanalunan ni John Lloyd Marcelo.

Maliban sa head category ay panalo rin sa 4th place sa heart category si Robert Karl Rumusud ng Iguig, Cagayan; at 5th place sa quiz bee si Carmela Adduru ng Iguig, Cagayan. Sa Coconut Based Cooking Contest ay 8th place winner sina Leomar Constantino, Lyka Jean Agabin, Jessa Sadama, at Charlie Ken Barcena ng Sanchez Mira, Cagayan.

Nakuha naman nina Gerald Borquillo ng Sambayanan Cagayan at Kelly Zingapan ng Tuguegarao City ang 10th place sa SongCon Duet.

Kaugnay rito, ang delegado ng Cagayan na sumali sa national convention ay mga nanalo kamakailan sa ginanap na 4-H Club Regional Summit sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.

Samantala, nakasama rin sa national convention ang ilang empleyado ng OPA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.