
Patuloy ang suportang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Gob. Manuel Mamba sa mga kasundaluhan at auxillary ng mga ito sa lalawigan.
Patunay rito ang muling pamamahagi ng PGC ng 250 sakong bigas na may tig-50 kilo sa 17th Infantry Battalion, Philippine Army ngayong Marso 26, 2025.
Tinanggap ni 2Lt. Arlene J. Palapas, Logistic Officer bilang kinatawan ni LtCol. Ford Alsiyao, Commander ng 17th IB ang mga bigas sa Capitol Main Buidling sa pangunguna ni Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor at Vin Dela Cruz ng Provincial Planning and Development Office.
Ayon kay Lt. Palapas, paghahatian ng 15 na Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Patrol Bases at isang Company ang nasabing bigas.
Kabilang na rito ang Delta Company sa barangay Piggatan, Alcala at patrol bases sa Balanni, Abariongan, Abariongan Uneg sa bayan ng Sto Niño; barangay Bural, Gagabutan So Tallat, barangay Gagabutan, Rizal; Birao So Birao, barangay Hacienda Intal, barangay Adaoag, Baggao; barangay Sta Clara, Gonzaga; Nanguilattan patrol base Peñablanca; Aridowen patrol base, Sta Teresita; Tanglagan patrol base sa Gattaran; Villa Cielo patrol base, Buguey; So Daligadig, barangay Sta Margarita, Valley Cove patrol base, Sta Margarita, Camunayan PB, So Camunayan patrol base barangay Sta. Margarita, Baggao at Bolos Point patrol base, Gattaran, Cagayan.
Ang pamamahgi ng bigas ng PGC ay ginagawa bawa’t quarter ng taon. Ito ay upang matulungan ang mga armed force sa lalawigan sa paggampan sa kanilang tungkulin para sa bayan.