Isinagawa ng Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang dalawang araw na Standard First Aid (SFA) at Basic Life Support Enhancement (BLSE) Training sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan noong Pebrero-8 hanggang Pebrero 9, 2024.

Ayon kay Robert Umoso Jr. II, Nurse IV, Disaster Risk Reduction and Management -Hospital Manager ng PHO, ang pagsasanay na kanyang pinangunahan ay dinaluhan ng 81 na mga barangay official, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) staff, barangay tanod, at barangay volunteers.

Sinaksihan naman ni Mayor Rodrigo P. De Gracia ang pagtatapos ng pagsasanay ng mga participant kasama sina Sangguniang Bayan Member Jef Javier, Committee on Health Chairman at Emerson C. Aleste, MDRRMO ng Sta. Teresita.

Sinabi ni Mayor De Gracia, na malaking tulong ang SFA at BLSE training upang mapahusay at maging handa ang mga frontliners ng kanyang bayan sa panahon ng sakuna.

Binigyang halaga rin ni De Gracia ang first aid dahil maaaring magamit ito aniya sa anumang oras kapag kinakailangan sa kanilang komunidad.

Samantala, naging katuwag ni Umoso sa pagsasanay sina Alain Peter M. Tumanguil,

Nurse III/Hospital Assistant DRRM-H Manager; at Juliebert S. Bernardino,

Technical Staff ng PHO.