Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang 15 Local-based basketball coaches sa lalawigan ng Cagayan na ginanap sa Conference Hall ng Kapitolyo nitong Hunyo 18-20, 2024.

Pinangunahan ng isang batikan at kilalang coach ang nasabing pagsasanay na si Coach Arlene F. Rodriguez, former Head Coach ng Philippine Basketball Association (PBA). Nagkaroon ng hands-on training sa loob ng dalawang araw at sa ikatlong araw ay nagkaroon ng basic lectures kaugnay sa paglalaro at mga istratehiya sa larong basketball.

Nakasama ng 15 local-based coaches sa hands-on training ang mga players ng Tuguegarao City para sa Palarong Pambansa sa Mamba Gymnasium noong Hunyo 18-19, 2024 upang mas lalong mahasa ang kanilang kakayahan sa basketball coaching.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga local-based coaches sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Gobernador Mamba makaraang nabisita ni Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor ang grupo.