Nagsagawa ng tree planting activity ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan katuwang ang “One Movement Inc.” sa Nassiping, Gattaran, Cagayan ngayong Miyerkules, Setyembre 13, 2023 bilang selebrasyon ng ika-66 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Cagayan Governor Manuel Mamba at ni Bernardo Paat ng One Movement bilang punong-abala sa nasabing aktibidad kasunod ng kanilang launching sa “One Movement One Million trees and Bamboos” kung saan nagsagawa ang mga ito ng simultaneous tree planting activity sa sampung probinsya sa bansa kasama na ang lalawigan ng Cagayan.

Layon ng aktibidad na protektahan ang Sierra Madre mountain range na nagsisilbing panangga ng lalawigan sa panahon ng kalamidad.

Kaugnay rito, labis ang pasasalamat ni Gov. Mamba sa naturang organisasyon dahil isa ang probinsya sa kanilang napiling pagdausan ng aktibidad.

Malaking tulong aniya ang mga ganitong prograMa dahil nagkakaisa ang mga iba’t ibang probinsya sa pagtatanim ng punong kahoy para protektahan ang kabundukan ng Sierra Madre.

Sinabi pa ng ama ng lalawigan na ang Cagayan ang nagsisilbing “catch basin” sa rehiyon at mga karatig probinsya kung kaya’t labis itong naapektuhan sa panahon ng kalamidad.

Umaasa rin ang Gobernador na masosolusyonan ang problema at hindi na kailangan pang ipamana sa susunod na henerasyon.

“Aware na tayo sa problema, ang climate change, sana huwag na nating ipamana sa mga anak natin, kaya nandito tayo para resolbahin ang problema” saad ni Gov. Mamba.

Ang aktibidad ay dinaluhan din ng Unang Ginang na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, Provincial Administrator, Atty. Ma. Rosario Mamba-Villaflor, mga kapulisan, kasundaluhan, kinatawan mula sa Department of Interior and Local Goverent (DILG), mga department heads, consultants at mga kawani ng kapitolyo.

#HBDPBBM

#LABForAll

#BagongPilipinas