PEOPLE’S DAY SA KAPITOLYO

Inilunsad noong ika-pito ng Hulyo, 2016 ang kauna-unahang People’s Day sa pangunguna ni Gobernador Manuel N. Mamba. Ito ay prayoridad na programa ng pnong-lalawigan kung saan, bibigyan niya ng pagkakataon ang mamamayan ng Cagayan na iparating sa kanyang personal ang kanilang mga hinaing at suliranin para magawaran ng kaukulang aksyon.

Sa naturang aktibidad ay katuwang ng Gobernador ang lahat ng Department Heads ng Kapitolyo upang mas matugunan ang iba’t-ibang karaingan at suliranin ng mamamayan at mapadali ang lahat ng transaksiyon.

Nitong nagdaang mga linggo naman ay naglaan ng ilang minutong bible verse teaching ang mga miyembro ng Capitol Forerunners – isang religious organization.

TASK FORCE LINGKOD CAGAYAN (TFLC)

Sa kanyang panunungkulan bilang ama ng lalawigan, naisipang itatag ni Gobernador Manuel N. Mamba ang Task Force Lingkod Cagayan(TFLC) upang tutulong sa mga nangangailangan ng kagyat na tulong sa buong probinsiya. Ito ay isang grupong kinabibilangan ng team leader, medical personnel, radio man, driver, at rescue member.

Ang TFLC ang tatangan at tutugon sa lahat ng nangangailangan ng agarang tugon gaya ng mga aksidente, kalamidad at anumang peligro na higit na kailangan ang kanilang tulong. Katuwang nila ang Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Office o PCCDRRMO.

Ang operasyon ng TFLC ay 24 oras kada araw at 7 araw sa isang linggo at bukas sa lahat ng emergency cases anumang uri ang idudulog dito. Sa pamamagitan ng Quick Response Team (QRT) na naitalaga sa Kapitolyo, bayan ng Lal-lo, Sanchez Mira, at Buguey ay mas mapapalawak pa ang mapagsilbihan nito.

NO BARANGAY, NO TOWN LEFT BEHIND

Isa sa mga prayoridad ng Gobernador sa kanyang Cagayan Development Agenda 2025 ay ang “ No Barangay, No Town left behind.

Sa pagnanais ni Gobernador Manuel N. Mamba na walang maiiwan na barangay at bayan sa lalawigan sa ilalim ng kaniyang administrasyon, kanyang binigyan ng atensiyon ang pangangailangan ng mga barangay at bayan upang matiyak ang pag unlad at mabigyan ng benepisyo ang bawat mamamayan..

Nangako ang Gobernador na magbibigay ng P500,000 tulong pinansiyal para sa lahat ng barangay at P3M naman sa bawat munisipyo, para sa pagsasagawa ng mga proyektong makakatugon sa mga pangangailangan ng nakararami, maging soft o hard project man ito.

Ang mga soft projects ay kinabibilangan ng scholarship para sa mga mag-aaral, honoraria ng mga Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers samantalang ang mga hard ay ang mga proyektong pang-imprastraktura gaya ng mga barangay roads, farm-to-market roads, at iba pa.

ANTI-ILLEGAL DRUGS & ANTI-ILLIGAL GAMBLING

Isa sa mahigpit na direktiba ni Gobernador Manuel N. Mamba ay ang pagsupil sa paglaganap ng iligal na droga sa buong lalawigan ng Cagayan. Ito ang agarang ipinag-utos niya sa lahat ng mga otoridad maging ito man ay opisyal ng gobyerno, mga alagad ng batas, at sa mga kapulisan, makaraang bulto-bultong mga iligal na droga ang nasamsam sa iba’t ibang bayan.

Kasabay nito ang pagkondena ni Gob.Mamba sa operasyon ng mga iligal na sugal na laganap sa buong probinsiya. Sa pamamagitan ng isang liham, mahigpit niyang ipinag-utos ang tuluyang pagpapahinto sa operasyon nito dahil sa negatibong epekto na dulot nito sa mamamayan.

Sa kampanya ng Gobernador kontra iligal na droga at iligal na sugal sa lalawigan ay maiiwasan ang anumang perwisyo at dagok na hatid nito sa buhay ng bawat mamamayang Cagayano.

FOCUS ON DISASTER

Inilatag ni Gobernador Manuel N. Mamba ang Disaster Preparedness and Mitigation Program ng probinsiya alinsunod sa mandato ng mga lokal na pamahalaan na dapat ito ang pangunahing prayoridad kapag ang pinag-uusapan ay serbisyo sa pagdating ng sakuna at kalamidad.Sa ilalim ng kanyang Cagayan Development Agenda 2025, itataguyod ng Gobernador ang pagkakaroon ng pangkalahatang programa para laging handa ang bawat Cagayano sa anumang sakuna.

Sa pamamagitan ng Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO) at Task Force Lingkod Cagayan, ay sinimulang isulong ang family disaster preparedness kung saan, ayon sa Gobernador sila ang dapat unang sanayin hinggil sa basic skills sa pagdating ng kalamidad tulad ng paghahanda ng basic needs tulad ng pagkain, tubig, at first aid kid, baterya, radyo, at flashlight.

Isusunod ding sasanayin ng PCCDRRMO at TFLC ang mga barangay ng lalawigan.

SCHOLARSHIP PROGRAM – “ISANG PUROK, ISANG ISKOLAR”

Magkakaroon ng isang scholar sa bawat purok.

Ang People Empowerment Council (PEC) na inorganisa ng Provincial Office for People Empowerment (POPE) ang pipili ng kwalipikadong scholar.

Pitong (7) scholar sa bawat barangay ang mabibigyang-pagkakataon na makapag-aral ng libre hanggang makatapos sa kolehiyo.

STRENGTHENING OF PROVINCIAL SCHOOL BOARD

Makikipagtulungan ang Provincial School Board (PSB) kay Gobernador Manuel N. Mamba sa pagsasagawa ng iba’t ibang proyekto para sa mga estudyante, partikular ang K-12.

Sa pamamagitan ng SEF Fund ay popondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ang iba’t ibang proyekto ayon sa pangangailangan ng kabataan.

Wala na ring duplikasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura sa pagitan ng Department of Education at Pamahalaang Panlalawigan.

Fencing at playgrounds naman para sa kindergarten ang ninanais ipatayo ng Gobernador at PSB mula sa SEF Fund. Prototype buildings, gym, paging system, water system, fence at palikuran ay nais ipatayo ng Gobernador para sa Senior High School.

ESTABLISHING OF PROVINCIAL HEALTH BOARD/MERGING OF DISTRICT HOSPITALS/ BALASAHAN

Inaprubahan na ni Gobernador Manuel N. Mamba ang muling pagkakabuo o reorganization at pagpapalawig sa komposisyon ng Provincial Health Board (PHB) sa lalawigan sa pamamagitan ng paglagda nito sa Executive Order No.5 series of 2016, alinsunod na rin sa Sec.102 (a) ng R.A 7160 o mas kilala bilang Local Government Code of the Philippines.

Ayon kay Gob.Mamba, ang pagrere-organisa at pagpapalawak sa komposisyon ng PHB ay may layuning agad na tugunan ang mga problema sa iba’t ibang district hospitals na kinakaharap ng kanyang administrasyon. Kabilang sa mga paraang naisipan ng Gobernador upang mapahusay at mapaganda ang serbisyong medikal at pangkalusugan sa probinsiya ay ang pag-upgrade o pagtaas ng a ntas ng mga district hospitals, gaya ng merging sa mga infirmary hospitals upang maging level 1 ito.

Kasabay ng merging ng district hospitals na planong gawing 9 na lamang ang 14 na kasalukuyang minementine ng PGC, ay ang balasahan sa pagitan ng mga Chief of Hospitals. Sa ganitong paraan ayon sa Gobernador ay higit na maaayos ang serbisyo sa kanilang nasasakupan at mabago ang hindi magandang impresyon sa kanila.