nassiping-dungao bridge

Nassiping-Dungao Bridge

Isa sa mga prayoridad ni Governor Manuel N. Mamba ay ang pagtatayo ng “Cagayan River Five-Bridges Project” na magdurugtong sa mga bayan at barangay sa kanluran at silangang bahagi ng lalawigan sa pamamagitan ng “Cagayan River Five-Bridges Project.”

Ang Nassiping-Dungao bridge ay isang proyekto sa ilalim ng PRDP na nagkakahalag ng P560M. Ito popondohan ng World Bank, Department of Agriculture at ng Pamahalaang Panlalawigan. Sa ngayon tapos na ang Detailed Engineering Design at Field Study nito matatapos na ang Feasibility Study at inaasahang magsisimula na sa lalong madaling panahon.

Sa ilalim ng proyektong ito, higit daan libong magsasaka ang matutulungan. Mapapaganda ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malaking kita mula sa kanilang mga produkto. Mapapagaan ang transportasyon ng mga tao at mapapa-unlad ang kanayunan dala ng pag-usbong ng ekonomiya.